..berso #2..

dumaan ako sa tahimik na ilog
ang buong mundo ay parang natutulog
kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog.

kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
sa dilim ay dapat pa akong hanapin
habang may luha ay huwag pang ibigin
sa pangarap ko ay huwag nang gisingin.

kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit ng kabilang dako
at tuklasin sa paglalakad na ito
hamog at luha ng bulaklak at damo.

mapapanood ang sayaw ng tutubi
mapapakinggan ang ibong humuhuni
hihinahon ang pusong di mapakali
at hihimlay na sa mapayapang gabi.

dumaan ako sa tahimik na ilog
ang buong mundo ay parang natutulog
kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog.

maningning miclat


..palaging may ulan ang pamamaalam..

palaging may ulan ang pamamaalam
kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
ng panandaliang pagsasama’t lugod.

huwag kang lilingon at baka malusaw
na asin ang mithing pagbabagong-loob.
palaging may ulan ang pamamaalam
kaya binabaha ng lungkot ang lungsod.

bangkay na lulutang ang panghihinayang
ngayong nalunod na ang lahat ng pusok
at kuyom sa dibdib ang basang alabok.
palaging may ulan ang pamamaalam
kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
ng panandaliang pagsasama’t lugod.

michael coroza


..remember..

remember me when i am gone away,
gone far away into the silent land;
when you can hold me no more by the hand,
nor i half turn to go yet turning stay.
remember me when no more day by day
you tell me of our future that you planned:
only remember me; you understand
it will be too late to counsel then or pray.
yet if you should forget me for a while
and afterwards remember, do not grieve:
for if the darkness and corruption leave
a vestige of the thoughts that once i had,
better by far you should forget and smile
than that you should remember and be sad.

christina rossetti


{ previous }