november 30, saturday

As you probably know last week depressed na ako, thinking that since this sem started eh my world started tumbling down na rin. Now lemme tell you what happened this week... bahala ka nang mag-decide if I should stay depressed or what...

Monday. Opening ng BA Week... hindi na ako nakapag-mass at na-late pa nga akong i-meet si Jo para dun sa free food, 10am na ako nakarating (naubusan na nga kami ng pagkain, buti na lang nakapanglimos ako sa mga galamay ko... bwehehe!) Pag-apak na pag-apak ko sa UST tingin na ako sa fone ko to see kung may message. Meron. Kala ko naman si Jo, since may usapan nga kami. Pero hindi.

I don't have to tell you right out kung sino ba yun. Let's just say na nawindang ang aking pagkatao nang makita ko ang kanyang pangalan sa aking telepono. He asked kung nasa Colayco ba ako.

Hindi na ako nakapag-reply kasi akala ko makikita ko agad si Jo, at syempre tutuloy na kami sa Colayco. Dun ko na lang 'sya' hahanapin. Pero hindi kami magkaintindihan ni Jo... puro "building" ang naririnig ko sa drop call nya. Eh di pasok naman ako ng building. Nagkakitaan kami nina Juls at AI sa org room... malamang ipinamalita ko nang nag-text si 'ano' di ba! As in talagang pinakita ko pa yung text... sobrang proud kuno ako. Anyway iwan ko muna sa kanila fone ko, akyat muna ako, baka kasi nasa classroom si Jo... wala pala. Pagbalik ko hawak ni AI yung fone ko at nakiki-text. Eh di OK lang. Kaya lang parang kaduda-duda yung itsura nya eh... nung binabawi ko na yung fone eh parang nag-tug of war pa kami... pero hindi ko na pinansin yun. Malay mo wala lang.

Bago ako lumabas may inabot na paperbag sa akin si AI... pakibigay daw kay 'ano'. Kaya lang inasar nya ako... eh di pabiro kong binato sa kanya yung paperbag at sinabing bahala syang magbigay. Pero nanalo pa rin ang loko. Paglabas ko ng building guess who ang nasa pav??? Syempre 'sya'. Balik ulit ako sa loob at binawi kay AI ang paperbag. He said with a mischievous smile na sya na lang ang magbibigay. Hay naku! May masama na namang binabalak itong lalakeng ito! So pinilit ko, sabi ko, sige na nga, ako na lang nga ang magbibigay. Mamaya kung ano pa'ng gawin/sabihin nya kay 'ano' pag nagkita sila. Pero ayaw na nyang ibigay sa akin... bwisit pinagtawanan pa ako. Eh di napilitan akong sabihin na nakita ko na 'sya', kaya akin na nga! AI just said, "Sama ako."

Ano pa ba'ng magagawa ko? Pero may kinausap pa si AI kaya nauna na ako... tinawag ko 'sya'. Aba, at parang natuwa nung nakita ako. Napatayo bigla mula sa kinauupuan. Naks naman, tats ako. Nung chichikahin ko na ay bigla namang dumating itong si AI. Lumakad tuloy palayo si 'ano'. Sunod naman si AI. OP ako. Eh di iniwan ko na sila... punta ako kay Jo, who, by the way, eh nasa kabilang pav lang pala.

Pero naka-glue ang mga mata ko sa kanila. Tinext ko nga si AI, sabi ko, "hoy ano ba yan, tine-terrorize mo na naman!" Napatingin nga sya sa akin pagkabasa nya nung text eh... mwehehe. Maya-maya punta silang dalawa sa akin, and tinanong 'nya' ako kung... actually hindi ko nga maintindihan yung tanong nya. Basta tinatanong nya kung ano raw ba yung sinasabi ko. Eh wala naman akong sinasabi sa kanya nuh! That's when it hit me na baka tinext sya ni AI using my fone... kaya pinagpipilitan ni AI i-clear muna yung message before returning the phone to me. But what the heck! Ayoko na lang alamin kung totoo kayang tinext sya ni AI gamit ang fone ko, at kung ganun nga eh anong kabulastugan naman kaya ang tinext nya... mapapagod lang ang pagal ko nang utak.

Tampo lang ako sa 'kanya' sa kadahilanang ayoko nang banggitin at mabuti pang kalimutan na lang. Walang tigil tuloy ang pag-alingawngaw ng boses ni Master sa aking isipan... 'sana sa akin ka na lang in-love... para magamit din kita.' Kasi mukhang totoo nga ang kanyang obserbasyon. Siguro hindi naman 'nya' sinasadya, siguro hindi lang 'nya' namamalayan... pero pag kailangan 'nya' ako, nandun naman ako. Bakit pag ako na ang may kailangan ng tulong 'nya', parang wala syang pakialam? (Kaya nga ako na-depress last week dahil dito di ba)

Anyway hindi na kami nagkita ulet... may klase pa rin kami... hay! Sa buong BA kami lang ang meron. At habang discuss si Manalo, text ako ng ate ko. Patay na raw si Lolo.

Tuesday. Maaga akong pumasok kasi may usapan kami ni AI... magta-tryout kami sa Pautakan (hehe feeling!). Pagdating ko sa org room, walang reaksyon. Tapos biglang sasabihin sa aking ayaw na raw mag-tryout! Shit! Syempre kaasar naman... sana sinabi na lang nya sa akin ng mas maaga para natulog na lang ako... saan naman ako pupunta nyan eh alas-tres pa ang klase ko?? Ayoko namang sumugod sa office dahil baka karagdagang sama ng loob lang ang aking abutin dun. Eh di rewrite na lang ako ng notes sa Agri kahit naiiyak na ako. Baliw nga yang si Mark, baka naman daw isipin ng mga tao na porke Inquest eh ang kapal na at nag-try din sa Pautakan. In the end we took the quali rin... hindi naman sa pagbubuhat ng bangko o pagiging mapagkunwari pero... madali sana, kaya lang yung iba ay nasa dulo lang ng dila ko at hindi ko maisakto. Hindi kasi sya katulad ng Inquest na halong multiple choice at identification. Puro identification lang at meron pang chronological arrangement sa history. Tapos kung anu-anong foreign phrases ang pinagtatanong. Sayang talaga! Ayan kasi susugod-sugod sa labanan ng wala man lang sandata. Sana pala binasa ko yung encyclopedia ng Reader's Digest! Feeling ko tuloy pinagmukhang tanga ko lang yung sarili ko dun. Kahit na nakasagot ako, in my heart I knew it's not enough. Hindi na ako umasang papasa. Tapos nagtampo pa ako kay AI pano ayaw nang bumalik para sa math exam (separate test pa kasi yun). Iwanan daw ba ako sa ere! At kung anu-ano pa ang sinasabi... minsan talaga napaka-pompous nya! Sinabi ko nga sa kanya eh. As usual no reaction.

Wednesday. May mga posters na tungkol sa results. Syempre wala yung pangalan ko dun. Hehehe. Ang sakit nga sa pride eh. Hehehe.

Thursday. Medyo kilig dahil birthday ng ex and I can't help remembering the good ol' days... bwehehe. Pagdating ko ng school lapag ko muna bag ko sa classroom, CR muna me. Pagbalik ko saka ko lang nakita... laslas ang maganda kong bag.

Buti na lang hindi nakuha yung wallet or fone ko although nasira pati payong ko kasi yun ang nakabara sa part na nilaslas... shit talaga! And to think na buong buhay ko sa Morayta ako nakatira! Waah! Kung sino man sya, sana malaslasan din sya... ng lalamunan! Punyeta syaaah! Tapos hindi ko pa alam kung maaasar ako o ano nung sinabi ni Jacob, "Yung mga 4th year may tindang bag." DUH!

Nung gabi usap kami ni Juls sa fone at sinabi ko na parang ayoko na kay 'ano'. Syempre nagulat sya at nagtaka. Sabi nga nya, siguro daw may bago ako. Sabi ko wala. "Eh kasi kung walang bago, bakit naman parang ang bilis mo makalimot?," she insisted. Tawa lang ako. Sabi nya, "O, ba't ka tumatawa? Siguro meron nga."

Deny to death ako pero deep inside bigla akong napaisip. Kasi nung mga panahong yun I'm confused pa kung may bago nga ba o wala. O, baka pati ikaw na-confuse na rin. Well, read on to know what I mean.

Friday. I can't help thinking, "that fateful day." Haaay. 6am kami meet nina Jo para sa seminar pero 3:30 na ako tumigil sa kaka-TEx (hehe) at syempre, dahil buhay pa ang dugo ko, 4am (or later!) na ako nakatulog. Gumising ako ng 5:30 tapos late na ako nakarating sa school kahit na anong bilis pa ng aking kilos sapagkat 6am din ang pasok ng aking mahal na pamangkin at syempre una sya sa banyo... tapos yang driver pa nung Blumentritt na jeep eh kainis... 6:15 pa lang at gusto nya nang punuin ang jeep!! As if!! Ayan tuloy quarter to seven na ako nakarating sa school... muntik pa akong magka-sprain pano naka-heels ako tapos sobrang bilis ko maglakad... buti na lang hindi ako natapilok! That moment I hated wearing corporate attire! Grrr!

6:30 kuno ang regis pero 8am na magulo pa ang paligid. Tumayo muna kami ni Jo sa may escalator, waiting for our other classmates. Bale ako eh talagang nakaharap sa escalator tapos si Jo ay nakatagilid naman towards me. May kinukuwento ako nang biglang...

Actually hindi bigla. Kasi nasa escalator eh... hindi naman bigla-biglang sumusulpot ang nakasakay sa escalator kundi paunti-unti di ba?? 'Inch by inch,' to put it creatively.

Before I continue with my story, I'd like you not to be confused. Iba ito dun sa kinukwento ko kanina. Let's just say that this person is about to make an unusual impact in my life. Good or bad, I dunno... all I know is kakaiba sya.

Kasi sometime after we first met, early this month, gusto ko syang i-befriend... wala kasing kumakausap sa kanya eh, kawawa naman. Kaya lang ayun nga, wala ngang kumakausap sa kanya, eh ayoko namang magmukhang flirt na ewan. I know my reasons then were foolish, I shouldn't have cared kung ano man ang isipin ng iba dahil wala naman akong masamang intensyon... but no matter how much I regret it, I can't change it anymore, right? Buti na lang ngayon OK na... nakakapag-usap na kami. Makulit pala sya... nakakatuwa. Ayan, feeling close naman ako... mwehehe.

So ayun nga, unti-unti syang lumitaw mula sa escalator (I can't help remembering tuloy that scene sa Cruel Intentions... hihihi) Nagtama ang aming mga paningin at sabay pa kaming ngumiti at kumaway sa isa't isa. Halong gulat at tuwa nga ang na-feel ko when he smiled eh, pano hindi ko akalain... la lang, hindi ko ine-expect na babatiin nya ako. Siguro kasi during the week panay chika ko sa kanya pag walang kumakausap sa kanya. Tapos lamo yun, parang biglang nagliwanag ang mundo nung ngumiti sya? Parang nawala lahat ng ibang tao. Anyway pag-alis nya, nakangiti pa rin ako. Napansin nga ni Jo eh, napangiti rin kasi sya. Tinukso nga ako ng palihim eh, sabi ko lang, "Gaga!" Kunwari wala lang. Pero meron.

Later nung seminar na... shit tingin ng tingin! Syempre pa-cute naman ako, naka-smile ako habang nakikinig sa mga speaker... bwehehe.

So hindi na lang pala ordinaryong pagkatuwa ang napi-feel ko. Sa kalagitnaan ng pag-amin ko kay Jo na ano... na ganun nga... biglang may nagsabi... "Uy girlfriend ni *toot* oh... kasama ko yan sa *toot*"

Ako naman sa sobrang gulat eh napatanong, "Sino?" Buti na lang hindi masyadong obvious... kahit naman sino, yun ang magiging reaksyon di ba? Anyway yung katabi daw nyang girl yung gf nya. Pagtingin ko... shit! Kilala ko pa yung girl. Schoolmate ko nung hs.

Grabe parang nadurog yung puso ko dun. Pano kakaamin ko nga lang sa sarili ko na may napi-feel ako, tapos biglang ganun. Pero in fairness mabait yung girl... I know he's in good hands.

Sows nagdrama na naman ako. Sabi nga ni Jo hindi raw nya akalaing dead na dead daw ako dun. Sabi ko, eh hindi naman talaga. Nagmumukha lang ganun kasi matagal ko nang pinipigil yung attraction ko sa kanya. Nung Friday ko lang inamin sa sarili ko, kaya eto, sumasabog lahat. Tapos he's attached na pala. Kasalanan kayang magka-crush pa rin sa kanya..?

At kanina eh libing na ni Lolo. Alam mo parang nun lang talaga nag-sink in na wala na talaga sya... alam mo yun? Hay nako, bakit ba ganun? Mabait pa naman sya. Bakit ba ganun? Parang hindi ko nga matanggap na sya yung nasa loob ng kahong ibinaba nila sa hukay at tinabunan ng lupa at semento pagkatapos. Wala lang, para kasing... wala lang. Tinabunan ng lupa?!

Yoko na nga. Naiiyak lang me eh.