may 24, saturday

so ang tagal na naman ng panahong nakalipas since i last wrote. busy kuno ako. (although ung isa kong diary, the one i keep at home, eh laging updated. syempre.)

well tapos na akong mag-ojt sa equitable, pldt naman ako ngayon. kadadalaw ko nga lang sa equitable. sayang, pag-alis ko saka naman nagdatingan ung hinihintay naming 300+ na magbubukas ng payroll acct, tapos sabi ni ate weng meron pang 250 na dadating. sayang talaga. pero marami rin namang ginagawa dito sa pldt, actually 4 days pa nga lang ako pero feeling ko 48 years na. fax lang maghapon plus confirmation kung na-receive ba nung pinadalhan ung copy ng hinihingi nilang statements. i'm not exaggerating when i say na hanggang panaginip nagfa-fax pa rin ako, and i can hear fax tones pag patulog na ako. grabe na 'to. mukhang forever na ngang ganito eh. kung alam ko lang na mai-stuck ako sa fax machine eh sana hindi na 'ko nagpakipot kay ate anj (actually anne-jhoe, kaya lang ang haba eh... hehe), sana when she asked if i wanna try ung call-out eh try ko na. kala ko kasi sa kanya pa rin ako for the rest of my training. sayang talaga. idol nga un eh. as in parang andami nyang nagawa sa buhay nya. nag-double major sya nung college, marketing at management, tapos may minor sya in advertising and public relations. ohdiba. aside from that scholar din sya and part of the council.... hindi lang nung college nya kundi ung mismong school. vp-ext sya ng college nila tapos sa central sc eh treasurer naman. saka natuwa ako sa kanya kase mega-explain sya, kasi daw trainor ko sya. basta parang ganun. now that's someone who takes her work seriously. ohdiba inspired na naman ako.

hay naku meron nga akong nakausap na koreano kahapon... pramis, ang kulet! mega-explain pa 'ko sa kanya kasi andami nyang tanong, tapos nung medyo nagiging kumplikado na nga ang mga bagay-bagay, i shifted into filipino dahil ang haba kung english, baka maubusan ako mahirap na (hehe). tapos biglang sasabihin, "could you please speak in english because i can't understand tagalog." sheeeeet! napasabak tuloy ako sa labanan. pero yaan mo na, it wasn't as bad as i thought naman pala. and think positive rin: ok yan, para ma-train ang english ko. who knows someday baka spokening dollars na 'ko di ba.

nga pala nakuha ko na ung sweldo sa wakas! kaya lang for march lang un. after 48 years na naman ung april. pero di bale na. at least di ba. iipunin ko nga eh, kasi gusto ko nang magpalit ng cell. pero isip ko pa what model. gusto ko kasi may camera, pero ayoko ng 7650. ang laki eh. at saka medyo mahal pa ung mga un ngayon, hindi kaya ng powers ko.

lovelife naman. yak feeling...! hehehe. well lamo namang kung sinu-sinong papa ang nababanggit ko pero hindi ko akalain na by the end of january eh merong kaganapang nagbabadyang maganap. actually as early as oct '02 it's simmering na di ba, kaya lang i always dismiss it as a temporary case of insanity. pero un nga nung malapit nang mag-feb eh sunod-sunod na ang mga pangyayari. natatawa na nga lang ako pag naaalala ko, kasi... how could i be so blind...? ako pa na malakas ang pakiramdam sa mga ganyan?! oh basta ganun. i dunno exactly when, or how, it happened, basta isang araw... ika nga ng isang tao dyan, "mararamdaman mo na lang un." oo totoo nga. at saka hindi ko man lang namalayang nakalimutan ko na pala ung taong inakala kong mamahalin ko forever and ever (kahit di nya 'ko love).

ngek, para naman itong isa eh mahal ako. actually ano eh.... hehe, loko lang! as if noh. well hindi ako magpapakaplastik at sasabihing i don't expect anything. pero hindi rin eh. i'm hoping lang. pero hindi nag-eexpect. gets? oh basta ganun. at saka magkaiba po ung expect sa hope noh. kasi kuntento naman ako with what we have, however small. daydream lang ako minsan.

pero the thing i won't forget is that... he warms my heart talaga. literally. :o)