january 3, friday

New Year's Resolutions ko (sana):
1. Gumising ng maaga.
2. Stop procrastinating.
3. Magtipid, magtipid, magtipid!
4. Study harder, lalo na sa Math.
5. Wag maasar sa prof kahit kainis sya, cos whether you admit it or not eh malaki ang epekto nito sa learning process.
6. Advanced reading.
7. Magpaka-S.A. ka!!! ;o)
8. Be organized.
9. Be inspired... or, to put it more clearly, be more optimistic.
10. Wag masyadong magastos - which is almost the same as #3 but then, hindi rin eh. Ewan ko... basta it seems to me that way.

I hope magawa ko itong sampung ito kasi gusto kong mas tumaas pa grades ko at saka maging worthwhile naman ang aking remaining college years... at saka gusto kong mag-ipon. Gusto ko nang gawin lahat ng gusto kong gawin habang estudyante pa ako para makapaghanda sa realidad pag-graduate ko. Sana magawa ko nga. Sana I'll be able to make the most of the one and a half years I have left sa college. So help me God.

O ano, na-bore ka na..? Hehe. Reminds me of the line sa kanta ni Love Hewitt na Barenaked, "Do you ever feel so deep that you speak your mind and put others straight to sleep..?" Oh well.

Anyway meron akong proyektong ginagawa ngayon... yung website ng class namin. Dati ko pa ito naisip, nung nagpaplano pa lang kami nung fieldtrip sa Agri... Jen supported my idea and lent me her copy of the class pic (as in yung sa UST na naka-uniform). Wala kasi ako dun kaya hindi ako um-order. Ogag naman kasi yung umisip na ganun kaaga mag-class pic noh... eh syempre di pa namin kilala ang isa't isa nun. Nagkataon pa namang naba-bad trip ako sa kanilang lahat nung mga panahong yun... well, hindi naman lahat as in lahat pero sometimes we get overwhelmed di ba... nakadagdag siguro yung pagka-miss ko sa mga old classmates ko... kumbaga, bakit kayo ang kasama ko ngayon at hindi sila?? It was unfair of me then, I know, cos they didn't want this either. At saka as if namang nagkakandarapa rin sila to get stuck with me sa natitira naming dalawang taon sa college noh. Sinabi ko nga ito kay Cams nung nag-inuman kami sa Tapsi... and she asked kung hanggang ngayon I feel this way pa rin. Sabi ko hindi na... and with a laugh I added, "Kasi wala na si Edz." Sa totoo lang si Edz lang naman ang bad trip eh... buti na lang nagpalipat na sya ng section nuh... what a wonderful world... hehe. Sama ko ba? La lang. Pero alam kong pati ikaw ay mabubwisit din kung twing binabalik ang results ng tests ay tatanungin ka kung ilan ang nakuha mo... kulang na lang ilista nya. Mas alam pa ata nya ang scores ko kesa sa akin eh. Hehe. But then... Bagong taon ay magbagong-buhay, at nang lumigaya ang ating bayan, so I'll stop na. Let it go na di ba.

Maybe someday lagay ko URL nung site ditow... actually tapos na sya pero hindi pa ako satisfied. Eh kasi karamihan ng nandun ay pix lang... duh, ang pangit naman kung ganun, wala man lang ka-content-content. But then to have content for this site I must have my classmates' cooperation... so help me God ;o)

I've been rereading F. Sionil José's novel Ermita and these are some lines na napa-"Aaw!" ako. Ewan ko lang ikaw:

"...and I wondered about the depth of your feelings for me which you kept to yourself. I did not expect anything from you, yet I ached to know, to be told that you thought of me sometimes..."

"I was happy for you. Perhaps, this is what love has always been, whether it is for a woman or for a cause - the readiness to give and not ask for anything in return, the unquestioning willingness to lose everything, even if that loss is something as precious as life itself."

Anyway kagabi nga pala nood ako ng Maalaala Mo Kaya... yung replay ng kay Aiza at kay Patrick. Napangiti tuloy ako kasi medyo may pagkakapareho ata ang aming mga istorya. Wag kang mag-alala, hindi ako tibo at hindi rin napagkakamalang tibo pero somehow nga eh may pagkakahawig ang aming sitwasyon. Alam ko hindi ko na mababago yun... alam ko rin na balang-araw dadating din yung para sa akin talaga. Ika nga ni AI, "di ka naman mahirap mahalin..." (one of AI's bangag moments... hehehe!)

Speaking of AI, gaga talaga yang si Juls. Nag-forward kasi ako ng quote sa kanya, tapos ang reply ba naman sa akin, "Is this about AI?" tapos may smiley pa syang nalalaman!! Grabe nga, napaka-inosenteng forward nun tapos...! All-caps nga reply ko eh, tapos sabi nya cool lang daw ako kasi nagbibiro lang sya. Iniba ko na lang usapan pero I really wanted to say, MASAMANG BIRO YAN NUH!!

O ayan nami-miss ko tuloy si AI. Sana pag nagkita kami hindi na sya malungkot. Ayoko kasing nakikita syang ganun tapos pag tinatanong naman sya hindi ka bibigyan ng matinong sagot, magkukunwari syang masaya pero lam ko hindi talaga. Ewan ko ba sa kanya! Feeling ko tuloy I just wanna grab him by the shoulders and shake the loneliness out of him.

Haaay naku...!

Sige na nga magre-research na ako ng newspaper clippings tungkol sa mga government agencies... gagawin ko na ngayon yang assignment na yan at ayoko nang patagalin pa... Resolution #2 nga di ba? Stop procrastinating. Ohdiba... talagang tinutupad ko... :o)