december 2, monday

December na! Wala lang...!!

Bwisit nga... kanina feeling ko napaka-obvious ko pano sobrang saya ko... ang ingay-ingay ko tapos tawa ako ng tawa. Ang daming nakapansin sa aking pagkamasayahin ngayong araw... hehe, sana lang di nila nahalata kung ano - SINO! - ang dahilan.

Kilig naman kanina pano may hiniram sya sa akin. Nagulat nga ako eh, kasi kilala pala nya ako. I mean, of course kilala nya ako, alangan namang hinde, pero ngayon lang nya kasi ako tinawag as in binanggit yung name ko. I know I sound stupid, pero... hay naku! Basta ganun!

Hindi nga ako masyadong makapagpa-cute pano nagi-guilty naman ako kasi may gf sya. Basta chinichika ko na lang... usual na usap, ganun... tapos pag nanghihiram ng gamit, eh di pahiramin. At syempers, smile all the time..! (mwehehe)

Tangina, ngumiti nga kanina eh. Naalala ko tuloy bigla yung nung Friday. Sheeeeettt!!

Pero lamo, may chika si Jo. Kasi may isa kaming classmate who knows the girl better than I do. Sabi nung classmate namin, sabi daw nung girl, hindi na raw nya alam kung anong status nila... kung sila pa ba or what. As in hindi na nga raw sila nag-uusap.

Nyeks. Dasal pa naman ako ng dasal na sana OK sila. Ano ba yan, nakakalungkot. (Hoy hindi yan plastik ah, totoo yan!)

Well malay natin... chika lang naman yun. At saka baka hindi lang nya ma-express mabuti yung sarili nya. Malay natin deep inside love na love nya. Kasi lamo, nung minsan nakausap ko sya at meron akong nabanggit na connected pala dun sa girl... wala lang, parang proud sya. Tats nga ako eh.




december 4, wednesday

Pano pag tinanong ka ng crush mo, "San ka nakatira?"

Go figure.

Bwehehehehehehe... ;o)




december 10, tuesday

Haaay salamat natapos din ang aming 'field trip' sa Agri... ayun, Cavite pala talaga... ang gulo kasi nila, di mo malaman kung Bulacan ba o Tagaytay o Cavite. Grabe, 7:30 pa lang ng umaga eh nandun na ako (may mas maaga pa nga sa akin cos the original call time eh 7am) pero what time ba kami nakaalis? Past 10am na ata. Kasi noon lang dumating yung mga sasakyan. Alangan namang mag-'tamaraw' (lolz!) kami papunta dun... 2 lang ang capacity, pwedeng 4 kung magsisiksikan kayo... lolz...! O kaya padyak... o kaya naman trolley... tatabi na lang kami pag may dadaang tren... lolz!

Syempers masaya... lalo na nandun sya. Shucks talaga! Gwabe pinagdasal ko talaga yun nuh. At sobra-sobra pa nga ang naging tugon ni Lord sa aking dasal... pano yung iba eh nainip na sa kahihintay so kanya-kanyang lakad muna... isa sya sa mga taong yun... pero nanatili pa rin ako sa aking kinauupuan kasi baka biglang dumating si Jo, wawa naman sya kung wala syang kasama. Anyway bumalik din sya later nung konti na yung mga tao... tapos alam mo ba, tinabihan ako! Sheeeet mega-kilig talaga ako!! Kunwari hindi ko alam kasi nakatalikod ako nun sa kanya... pero humarap din ako nung hindi na masyadong obvious ang sitwasyon. Tapos... aba, talagang nagsialisan na ang sambayanan. Sabi ko nga sa kanya later, "Ano ba yan, kanina andaming tao... ngayon, tayo na lang dalawa ang natira..."

Medyo chinika ko naman... yung mga bagay na matagal nang naglalaro sa aking isipan. Wag kang mag-alala, hindi ko naman sya tinerrorize, kahit na gusto ko talaga syang i-scrutinize... naks rhyme pa! Hindi ako nagtanong ng kahit anong personal... wala lang, yung mga tungkol sa school lang... prof bloopers... at marami pang iba... naaasar nga ako sa sarili ko pano ang daldal ko nuh... pero alam ko namang alam na nya yun... araw-araw naman kaming nagsasama eh...

Nahihiya nga ako sa kanya pano baka nao-OP sya... lamo na... eh alangan namang all the time eh chikahin ko sya... di ba naman maka-smell ng something fishy yung classmates namin!

Hay naku, basta andaming nangyare! Iba na nga'ng pag-usapan natin... panay lalake naman ang sinasabi ko dito! Kahapon I logged in sa TEx... as usual, posting jokes... tapos biglang nag-PM sa akin si USTudent... he's inviting me to be a mod sa Jologs Rep. I've heard of it na, pero hindi pa ako nakakadalaw dun. So reg me and made some posts there. He was asked daw kasi by the Admin of JR to moderate the Ngiting Askal forum... which is the counterpart of Laugh Central sa TEx. Kaya lang baka daw hindi sya masyadong makapunta dun sa site. So he thought, he'll accept the job, pero sana raw he could have me as his partner?

Nyaks. Lamo na-flatter ako, kaya lang medyo naguguluhan pa po me... lamo naman ako, napaka-big deal sa akin ng mga ganitong bagay. Natatakot kasi me, baka hindi ko magampanang mabuti. Nakakahiya naman. Pero I think I will accept.

Nakakatawa nga yung description ng Admin sa JR... sabi nya, kulay na kulay pa lang daw nung site, "Ponkan na ponkan!" Oo nga eh... nasilaw nga ako nung una kong nakita yong site. :p Pero nakakatuwa naman duon.

Well wala na namang pasok ngayon (shit, Thurs pa lang wala na us pasok ah! Grabe na itetch!) Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o ano... syempre hindi ko sya makikita (ngek). Pero review na lang me sa law... trials na kasi dun tomorrow... buong partnership... eh mukhang enumeration na naman pano nagpapadala sya ng yellow pad. Gosh I hate memorization pa naman...!

Well goodluck na lang sa career...




december 30, monday

Grabe. Andami na namang nangyari sa akin.

Well nung 27, I was browsing sa JR nang biglang sabi sa akin ni Mama eh dun muna ako sa tindahan kasi dadaan sya ng Mercury. Apparently my dad wasn't feeling well. Pero sabi ng tatay ko wag na raw, sa bahay na lang si Mama, pupunta na lang daw sya ng ospital. I then saw that his hands were shaking. Medyo kinabahan na ako nun.

Eh di sinamahan ko nga sya. He asked me kung san daw ba yung Ospital ng Sampaloc... well, alam ko kung nasan yun pero di ko alam kung pano puntahan yun kasi nakita ko lang naman yon nung nag-iba ng ruta yung jeep na sinakyan ko pauwi galing kina Ana dati. So UST na lang. Alam mo ba feeling ko matutumba sya. Natakot nga ako eh. I mean, duh?!

Tapos ayun nga, dinala ko sya sa emergency room ng hospi. After sometime the docs told me na he needs to be confined para maobserbahan, kasi the ECG showed na merong part ng heart nya na hindi madaluyan ng dugo... eh baka atakihin sya. Syempre I was the one who made arrangements for him to be admitted. Sobrang takot ko talaga kasi... what's an 18-year old to do di ba?? Buti na lang mabait yung isang intern, si Patricia. Crush ko nga yun eh... oi, hindi ako tibo noh, guy pa rin ang gusto ko! ;o) Wala lang, ang bait nya kasi... makes me proud to be a Thomasian myself. Actually she looks like this eh... click ka ditow para makita mo. Max mo window mo for best results... ;o) Wag mong isiping exag ako kasi hindi. As in kamukha nya. If you're wondering kung sino yang nasa pic, that's Aerin Lauder, apo ni Estée Lauder... siguro naman lamo na kung sino si Estée Lauder noh.

Anyway the next day buong araw akong nagbantay... 7am to 7pm. Eh since nasa ICU hindi naman ako pwedeng pumasok sa loob; kelangan lang ako dun para bumili ng mga gamot at kung anu-anong supplies. Kaya naman I had a lot of time para magmuni-muni. Ika nga ni Hannibal Lecter sa Red Dragon, "I've got oodles." (Hehe, tawa talaga ako sa pagkakasabi ni Anthony Hopkins sa line na ire!) Sows, actually it's more than I can take eh. Tapos meron pang papasok sa utak mo na ayaw matanggal-tanggal... as in habang lumilipas ang oras lalo kang manggigigil... hehehe. Basta sikwet na lang. Pero alam mo, grabe ano? Kahit pala gano katagal ang panahong lumipas, kahit gano kalayo ang distance between you, kahit kala mo nagmahal ka na ng iba... deep inside, all this time, meron ka pa ring taong babalik-balikan. Ika nga dun sa text, "Ang taong minamahal ay parang isang tsinelas. Kahit anong bago at ganda ng ibang mga sapatos, pag-uwi mo sa bahay, tsinelas pa rin ang hahanap-hanapin mo." Corny na ako kung corny pero yun yung totoo eh. Hay naku. Kaya lang kahit naman mahal mo yung tao, kung hindi ka nya mahal, wala rin, cos it's only him that matters.

Wag kang mag-alala, hindi na ako aasa. Alam ko naman eh. Pitong taon ba naman kitang minahal - or should I say, pitong taon na kitang minamahal, kasi never namang nawala di ba? - alangan namang hindi pa ako matuto nun. I won't try to make you love me. I'll just be here, loving you quietly.

I'm talking in riddles na naman ba? Hehehe ;o)